skip to main |
skip to sidebar
Posted: October 15, 2010
At kung inaakala ng lahat na überr-super matino akong tao. Well, salamat pero hindi ako ganun. Matino ako. Sabi nila. Pero may mga ginagawa ako na paminsan minsan - hindi matino. Minsan nambabara ako. Ng teacher at classmates. Trip lang ba.
Nakikipag-‘fliptop’ pag may pumasok sa utak ko. Bumabanat ng mga ka-corny-han. Nakikipag-‘knock knock jokes’. At kung anu-ano pa. Eto ang proof:
1. Nung minsang nakasalubong ko sa hallway sina Christian at Ronald bumanat si Christian ng pang-aasar. Eto naman ang sagot ko, Ikaw ba talaga ay nagpapa-Belo? Kasi ngipin mo kulay yellow.
haha. Basag! Sabay lakad na ulit ako.
2. Nung Social III, nagkwento si Ms. Merry Angel na bumili daw siya ng kalabaw, tanong ni Ronald, ‘Ma’am pinalaki nyo?’ Sagot ko naman: Malamang, alangan namang paliitin yun.
Strike two!
3. Nagreklamo si Migs kasi hindi daw tumatama yung fan sa kanya meaning hindi siya naaabot ng hangin. Sabi ko naman, Di kaya masakit yun pag tumama sa’yo yung fan?
Three points.
4. Binanatan ako ni Dhaidan. Lagi kasi nyang sinasabi na lagi ako puyat which is true naman. Sabi ko naman: Ayun, nakita ko ang tatay mong pulis ayun sa Metropolis naglilinis at nagwawalis.
Durog! :) See? Hindi ibig sabihin na honor ako eh I do not know how to have fun. Sineseryoso ko lang talaga yung ibang bagay.
0 comments:
Post a Comment