Friday, December 24, 2010

Nutrition Day 2010

    073010: Nutrition Month Celebration at MVGFCI. This was also the first time our school had celebrated this.     
       Around 5:30 am ako gumising. 8:30 pa naman kasi start nung program at before 8 am ako kailangan dun.Why? Kasi isa ako sa mga hosts. Err. Not nice. FYI, one of the reasons kaya ayaw kong tumakbo sa Student Council ay dahil : kailangan mong mag-speech sa harap ng buong school during the Meeting De Avance. Enough reason para hindi ko gustuhin ‘yun. Buti nalang at maaga ako nakatulog the day before. Mga 30 minutes earlier sa usual sleep ko. :)
       Prep-up time: Dahil hindi ako nakapag-plantsa the night before. Nung morning nalang ako nag-plantsa. Then, dad called. *dug.dug.* [ -conversation- ] I ended up crying. Boo. Panget na ng eyes ko. Pero nagawan ko naman ng paraan. *wink* 
      In School: I arrived there past 8 am. Late. Naka-green Music is my True Love shirt, skinny jeans at Chucks. At sabi nila - sabi lang nila ha : Blooming daw ako. Haha. *I told you nagawan ko ng paraan yung eyes ko.* Nag-joke pa nga si Jusmine : Hindi daw dun yung building ng college! Haha. 
      Let the torture begin: At around 9am, nagstart na yung program. Pinalitan nalang yung nagwelcoming remarks kasi wala si Ms. Djoanna Velarde kaya si Ms. Rachelle Pecson ang nagspeech. Blah. Blah. Blah. 
      Contest na: Isa sa mga contest na naka-line up is yung Cookfest. Given sa amin yung 3hours.Nung nakita namin na uber-bongga ang presentation nung sa III-Jacinto, we were like - “Okay fine. Accepted na , talo na kami.” Imagine this naman  kasi:    III-Jacinto: Complete table arrangement. With White table cloth and pink and purple table runners.    III-Mabini: Circular table na color brown. And dahon ng saging :D Kino-console nalang namin yung iba na “..haing pinoy tayo.” Maraming aberya. Mag-iihaw kami ng tilapia pero walang nakapagdala ng ihawan. Buti nalang pinahiram kami ni Ms. Rosalyn Castro - TLE II teacher namin. Nagkulang sa uling - pinabili ko pa sa labas sina Ronald. Kulang yung powdered juice - bumili din. After namin magluto at gawin ang aming best. Okay bahala na. Kumain na kami. As a general rule : bawal magkutsara at tinidor. Dapat lahat nakakamay. So ayun, lahat ng may dalang spoon and fork : haha, sinamsaman ko. 
     — madami pang contests —
      Announcement: Around 4pm na yun nung tinawag na kami ( Eric and I ) ni Ma’am Rachelle sa gitna ng gym. (**Note: Pwedeng means of communication ang wireless microphone. Para ka lang nakaloudspeaker. Yung parang may sasabihin yung may hawak nung isa tapos sasagot ka - nakabroadcast nga lang. :) ** ) Akala ko , sila ang mag-a-announce tapos sabi ni Ma’am Rachelle , “..ayusin niya ang pag-aannounce. Bawal magkamali ha.” *dumbstruck ako* Then, she handed me the  Red Folder of Judgement *haha. may tawag pa talaga.* Then, announcement. Nung tumuntong pa lang ako dun sa lectern, sinilip ko na yung result nung sa 3rd year. :) Kinakabahan na ako e. Relief washed over me nung nakita ko na yung number 1 na naka-encircled pa. Meaning yun yung first place ay GROUP 3. In short, KAMI. Across the gym, nakita ko reaction ng mga classmates ko. Natatawa ako. Lahat kasi sila kabado. Si Mommy Angel naman ( adviser namin! ) was asking me from afar ha .. nabasa ko lang yung bibig nya. ” Tayo? Tayo? ” I shook my head and kept my expression as grim as possible. Trip ko yun. 
      Moment of Truth: Ako ang nag-announce ng winner sa 3rd year - para bongga. The sabi ko, ” Sa third year po, nakakuha sila ng general average of 51. (note: over 60 points yun! ) Ang nanalo ay ang ….. group number … group number … ” Isang deep breath. “..GROUP number THREEEE!.” As in isinigaw ko. Then I saw yung mga classmates ko. As in tumalon sila. Beside the fact na naka-Indian seat sila. I don’t know how did they do that. 
      Post-Celebration Thingy: Walang connect sa Nutrition Month pero isasama ko na din. After kasi nung program - umuwi na lahat. Naiwan kami nila Clarisse at Ainah. Di pa kami maka-uwi kasi madaming dadalhin. Mahirap kayang magbuhat ng mabigat! Then, dumating sa gym si Sir Adrhiane (*Computer III teacher ko*) kasama yung mga students ng Accounting. Bad one. A very bad sign. At ayun nga, kasama si Angelo Candelaria. Okay lang naman sana. Kaya lang. Kaya lang. Nung natapos akong mag-ayos ng bag - nagstraighten up ako then napatingin ako sa kanya. Pucha naman o! Nakatinging din. Tapos yun lagi nyang kasama yung Domeng inilagay yung bag nya dun sa upuan na pinaglalagyan ng bag ko. At nakatingin din sa akin. Sheeeesh. Good thing dumating na yung trike na pinakuha namin.

0 comments:

Post a Comment