Friday, December 24, 2010

2010 Division Schools Press Conference

     October 7 - Start of the 2010 DSPC , it’s the competition for Campus Journalism -Division Level, held at Honorato C. Perez Sr. Memorial Science High School So ayun, opening program. Then, I saw him na naman. Yung guy na student ng Maria Assumpta Seminary :)) Nauna kami ni Kuya Jaime Viray na sumalang : Editorial Cartooning! *uh - oh! * Okay naman yung gawa ko, sabi ko lang yun. Haha. Bahala na si Lord. Magkasabay kami ni Fatima na umuwi then naglolokohan kami,
     
    Fatima: Ay, taga-seminaryo .. 
    Louise: Ay, ‘teh .. alam ko na .. 
    Fatima: Alin? 
    Louise: Eh , kung itanan ko nalang kaya yun.
    ** END OF DAY 01 ** 
    October 8 -eto dikdikan ang laban. Day 02 na kasi ee.
      Unang banat: Editorial Writing. Confident ako kasi I was able to spend about 2 hours sa pagbabasa about sa mga recent controversial issues like the Reproductive Health Bill 5043 at yung K+12 Basic Education ni PNoy pati nga yungLegalization ng Jueteng eh. But. But. But. Nung inannounce na yung topic at kung anong type ng Editorial ang gagawin , *tugsh! shit * para akong binagsakan ng buong Earth. Biruin mo ba naman, ang K+12 ay napunta sa elementary level, tapos ang sa highschool - PNoy’s First 100 Days in Office! At dapat parang ANALYTICAL lang ang magiging dating nung article. Patay ako! Sure na yun. On the way sa contest room, nag-Google ako sa phone ko - puta  ambagal! - kaya sure na talaga .. DEAD ako. 
    Eto ang nakakatuwang story, lahat kasi ng contest may control sheet na dun nakalagay yung number, name, school paper’s name at adviser .. Naka-sign up na lahat sila - sila lang kasi they have forgotten about me! Hmm. Sabotage? Lol. Dumating yung proctor ..
     
    P: Lahat ba nakapirma na? Bakit 22 lang ‘to e 23 kayo? Sino pang hindi nakakapagsulat dito? 
    Louise: Ako po. 
    Ayun, binigay nya yung Control Sheet at bonggang bonggang tuwa ko — number 23 ako! :) ( Oo, para sa akin sign yun. ) At. At. Kinuha ko ang full name ni BEH. Oh di ba!? After ko sa Editorial English, pag labas ko nakasalubong si Clarisse .
    C: Kimmy, mag-feature tayo? 
    K: Teka, drain na utak ko. 
    ** Nagpunta kami sa place na kita yung gym sa ibaba ** 
    Sir C: Kim! ( Eh, katabi nya sina BEH. Ooops! Tumingin. Tumingin. ) 
    K: po? 
    Sir C: Mag-feature ka .. 
    K: ( At dahil gusto kong takasan ang News Writing ) Okay po.
        Pasok si ako sa room ng Feature English , gulat ako kasi .. kasi .. si BEH din magfefeature! :)) So ayun, inspired ako. Haha. 
    October 9 - Sad ang morning ko kasi alam ko na ilang hours nalang ang natitira para makita ko si BEH. (Oo, possible po ang ganun klaseng love - Love at First Sight. ) Emote-ever ako. Galing kami sa CompShop then pag punta namin sa gym .. kaboom! sumabog ang earth ko .. Ayun, si BEH .. naka-stripe na white and blue. Nung nakita ko sya sobrang tuwa ako grabe! Pero nung nakita ko na andun in yung school service nila — gumuho. It only means kasi na maaga silang aalis. 
    AWARDING PROPER: At first, talagang HOPELESS kami. Sabi ko nalang kay God, “Bahala na po kayo sa amin.” Pero .. the empire strikes back! Kabog!
    JOHN ERIC CARLOS: 10th place News Writing Filipino ; 1st place Copyreading and Headline Writing Filipino 
    NIKKI ALYSSA AGUSTIN: 8th place News Writing Filipino; 9th place Feature Writing Filipino; 10th place Editorial Writing Filipino 
    ELIGIO CRUZ: 5th place Sports Writing Filipino 
    NIñO JOHN LENTENEE BERNARDO: 7th place Photojournalism English; 10th place Feature Writing English 
    CLARISSE CRUZ:  4th Editorial Writing Filipino 
    JAIME VIRAY: 2nd Editorial Cartooning Filipino 
    KIM LOUISE GERMAN: 2nd place Feature Writing English ; 2nd place  Editorial Writing English ; 4th place Editorial Cartooning English 
    at eto pa .. OVER-ALL CHAMPION ng BRACKET A sa Group Contest ang aming THE LAMPLIGHTER meaning amin ang Best in Over-all Layout, Best in News Page, Best in Feature Page, Best in Sports Page, at Best in Editorial Page!Oh di ba!? Bongga!
          May isang hirit pa pala .. Dahil ka-close ni Sir Clester - ang aming School Paper Adviser - si Ma’am T - ang School Paper Adviser nila BEH -ayun, ichika ba naman ako nang bonggacious one! Kaya pala nung nanalo ako sa feature .. she said congrats sa akin at super wide ang smile. Hmmm. Tapos eto pa , alam na ni Ma’am T na super likey ko si BEH. Ang sabi daw ng Sir C namin, ” ..may gusto ang EIC ko sa EIC mo … ” ganung factor. Tapos nung nasa school service na kami, tinawagan ni Sir C si Ma’am T para icongratulate .. Then, I overheard na ..
     
    Sir C: Ma’am pupunta kami ng Division’s Office sa Monday kukunin namin yung resibo, yung school paper namin. Ako nalang ang kukuha nung inyo then dadalhin nalang namin sa school nyo. 
    *Then itinapat ni Sir C yung phone sa way namin, sakto I was yelling, 
    K: Sir, sama ako! :)
    Then, otw home .. dumaan kami sa Goldilocks to buy cake .. kaming tatlo lang nila Sir C at Clarisse ang bumaba .. I interviewed Sir C.
    K: Sir sinabi nyo nga po!? 
    SC: Oo. 
    K: Hala, eh anu po sabi ni Ma’am T ? 
    SC: Isama daw kita sa Monday. 
    K: Ay, sama din natin si Clarisse. :)) 
    ** yun muna **
    Eto pa pala : Nung tinawag na yung first seven , in random order, ng Feature English yata yun or Editorial English [?] Memory Gap. Nauna si BEH. Then I was really hoping na ako din,then ” .. Kim Louise German from MV Gallego, School Paper Adviser .. Mr. Clester Rufino..” Yesssss! Then otw sa front ,” ..Sir, tabi tayo sa kanila. :DD” Ayun nga, katabi namin siya. Haha. SAD lang kasi hindi sya qualified sa RSPC. :(
    K: Pang-ilan ba si BEH!? 
    SC: 7th. 
    K: Ay, anlayo eh. 
     SC: Bakit? 
    K: Eh, kung 4th po siya bibitawan ko na yung spot ko para pasok din sya kaya lang malayo po eh.
    * Haha. Ganyan ang LOVE. :) Nagbibigay. 
    * madami pang nangyari di ko na maisa-isa ee. *

0 comments:

Post a Comment